^

PSN Palaro

Team Dasma, Air Force pasok sa Champions League semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Team Dasma, Air Force pasok sa Champions League semis
Rumatsada ng husto sina National University standout Madz Gampong at Mark Calado matapos magtala ng tig-13 puntos para dalhin ang Monarchs sa matikas na 2-0 rekord sa Pool B.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuloy ang pananalasa ng Team Dasma Monarchs nang pigilan nito ang MRT Negros, 25-16, 22-25, 25-20, 25-23, upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa Champions League kahapon sa Aquamarine Recrea­tional Center sa Lipa, Batangas.

Rumatsada ng husto sina National University standout Madz Gampong at Mark Calado matapos magtala ng tig-13 puntos para dalhin ang Monarchs sa matikas na 2-0 rekord sa Pool B.

Dahil dito, nasikwat ng Team Dasma ang unang tiket sa semis spot.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si Team Dasma head coach Norman Miguel sa inilaro ng kanyang bataan.

“Medyo nag relax kami. That’s not good going to the third game kaya later may practice kami so we have to recover all those mga mistake na nangyari dito,” ani Miguel.

Sa ikalawang laro, pinataob ng Philippine Air Force ang Basilan, 25-15, 28-26, 25-20, para makasiguro ng tiket sa semis.

Pumalo si John Vic De Guzman ng 14 attacks at tatlong aces upang makuha ng Aguilas ang 2-0 marka sa Pool A. 

CHAMPIONS LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with