^

PSN Palaro

Meralco hari ng 2nd leg ng PBA 3x3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco hari ng 2nd leg ng PBA 3x3

MANILA, Philippines — Kinoronahan ang Meralco bilang second leg champions matapos talunin ang Platinum Karaoke sa finals, 21-16, sa 2021 PBA 3x3 tournament kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Isinalpak ni Joseph Sedurifa ang game-winning two-point shot para sa pagsikwat ng Bolts, natalo sa TNT Tropang Giga sa finals ng first leg, sa kampeonato at premyong P100,000.

Nakatuwang ni Sedurifa sa tagumpay ng Meralco sina Tonino Gonzaga, Dexter Maiquez at Alfred Batino na nagbigay sa kanila ng 12-4 abante bago nakadikit ang Platinum sa 16-18 agwat mula sa 2-pointer ni Chris De Chavez.

Nakuntento ang Platinum, binubuo nina De Chavez, Karl Dehesa, JR Alabanza at Yutien Andrada, sa premyong P50,000.

Para maitakda ang kanilang finals showdown ay pinatumba ng Bolts ang Tropang Giga sa semis, 21-13 habang binigo ng Platinum ang Limitless Appmasters, 21-16.

Pinatumba naman ng TNT ang Limitless, 21-14, sa agawan para sa third place trophy at premyong P30,000.

Didribol ang third leg bukas at sa Linggo.

Samantala, ipinagdarasal naman ng PBA at ng mga 3x3 players at teams ang mabilis na paggaling ni Roider Cabrera ng Terrafirma na nag-collapse sa kanilang dugout matapos ang 19-17 panalo sa Barangay Ginebra noong Miyerkules ng gabi.

“We are requesting e­veryone to pray for the quick recovery of Roider. May his family stay strong under this trying condition,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

YNARES SPORTS ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with