^

PSN Palaro

Petrogazz nagparamdam agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petrogazz nagparamdam agad
Umatake si Jerrilli Malabanan laban sa Baguio Lady Highlanders.
PNVF photo

MANILA, Philippines — Mabilis na inilabas ng PetroGazz ang bagsik nito matapos ilampaso ang Baguio Lady Highlanders sa bendisyon ng 25-10, 25-13, 25-10 demolisyon upang mainit na simulan ang kanilang kampanya sa Champions League kahapon sa Aquamarine Sports Complex sa Lipa, Batangas.

Nagsanib-puwersa sina veteran attackers Ces Molina, Myla Pablo at Grethcel Soltones katuwang si playmaker Ivy Perez para mabilis na makuha ang unang dalawang sets.

Hindi natinag ang Gazz Angels sa third set nang pulbusin nito ang Lady Highlanders ng kaliwa’t kanang atake kasama pa ang matatalim na service aces upang tuluyan nang makuha ang panalo.

Umangat sa 1-0 rekord ang Gazz Angels habang laglag sa 0-1 ang Lady Highlanders.

Inaasahang mapapa­laban ang Gazz Angels sa kanilang susunod na laro dahil makakasagupa nito ang reigning Premier Volleyball League (PVL) champions Chery Tiggo Crossovers.

Nakatakda ang bakbakan ng Gazz Angels at Crossovers sa alas-4 ng hapon ngayong araw.

Muling daraan sa butas ng karayom ang Baguio dahil makakatipan nito ang five-time Philippine Superliga champion F2 Logistics sa ala-1:30 ng hapon.

Magtutuos din ang California Precision Sports at Tuguegarao Perlas Spikers sa alas-10 ng umaga.

Ito ang kauna-unahang Champions League sa bansa kung saan anim na koponan ang magbabakbakan para sa unang titulo ng liga.

Nagparamdam din ng puwersa ang F2 Logistics nang ilampaso nito ang California Precision Sports sa bisa ng 25-21, 25-14, 25-19 panalo.

Sumalo ang Cargo Movers sa unahan ng standings kasama ang Gazz Angels tangan ang 1-0 baraha.

PETROGAZZ

PNVF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with