UAAP volleyball target sa Abril

MANILA, Philippines — Puntirya ng UAAP management committee na masimulan ang volleyball tournament ng liga sa Abril sa 2022.

Uunahin muna ang pagdaraos ng basketball event na inaasahang sisimulan sa huling bahagi ng Enero o sa Pebrero.

Sa oras na matapos ang basketball, magkakaroon muna ng holy week break bago simulan ang volleyball event.

Sa kasalukuyan, pinaplantsa na ang lahat ng requirements upang agad na masimulan ang ensayo ng mga student-athletes.

Binigyan na ng go signal ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagsisimula ng training ng mga varsity teams.

Subalit kailangang makumpleto muna ang lahat ng kailangan upang masiguro na ligtas ang lahat ng student-athletes, coaches, officials at staff na magiging bahagi ng training.

Halos lahat ng student-athletes sa UAAP ay nabakunahan na kaya’t mas magiging madali ito para masimulan na ang liga.

Nagsimula na rin ang face-to-face classes sa ilang unibersidad.

Isa sa requirement ng UAAP na kailangan munang magkaroon ng face-to-face classes para ituloy ang season.

Show comments