Curry muling bumida sa Warriors

Kumawala si Stephen Curry ng Warriors mula sa depensa ni DeAndre Bembry ng Nets.
STAR/ File

Jazz, Clippers nakabangon din

MANILA, Philippines — Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban.

Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5).

May 2,900 career 3-pointers si Curry ngayon para dumikit kay Ray Allen na may NBA record na 2,973 triples.

Nagmula ang Golden State sa kabiguan sa Charlotte Hornets noong Linggo na pumigil sa kanilang se­ven-game winning streak.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 points.

Tumipa si James Har­den ng 24 points para sa Nets kasunod ang 19 markers ni Kevin Durant.

Sa Salt Lake City, nag­hulog si Bojan Bogdanovic ng season-high 27 points para igiya ang Jazz (9-5) sa 120-85 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers (8-7).

Nagtala si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 20 points para sa Utah.

May 18 points si Shake Milton  sa panig ng 76ers na nahulog sa kanilang pang-limang dikit na kamalasan.

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 34 points para pangunahan ang Clippers (9-5) sa 106-92 paggupo sa San Antonio Spurs (4-10).

Show comments