MANILA, Philippines — Masisilayan sa aksiyon si Nico Salva suot ang Phoenix Fuel Masters jersey sa PBA Season 46 Governors’ Cup na target simulan sa huling bahagi ng Nobyembre.
Inihayag ni Phoenix team manager Paolo Bugia na makakasama si Salva sa official lineup ng Fuel Masters para sa reinforced conference ng liga.
Orihinal sanang maglalaro si Salva sa 3x3 team ng Phoenix ngunit ilang linggo bago magsimula ang kumperensiya, nagdesisyon ang team management na isabak na lamang ang dating Ateneo de Manila University standout sa 5x5.
“We gave Nico a chance at our 5x5 team this coming Govenors’ Cup,” ani Bugia.
Huling nasilayan sa aksiyon si Salva noong PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga kung saan naglaro ito para sa Meralco Bolts.