^

PSN Palaro

PNG, Batang Pinoy gusto nang maidaos ng PSC sa 2022

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong bansa ay umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na mairaraos na nila ang mga grassroots programs sa 2022 kabilang ang mga taunang Batang Pinoy at Philippine National Games (PNG).

“Hopeful naman kami diyan sa mga programa ng PSC, lalo sa Batang Pinoy and PNG,” wika ni Philippine Sports Institute (PSI) Deputy Director Marlon Malbog sa PSC Hour program. “Hopefully, next year gumanda na (sitwasyon ng pan-demya).”

Sapul nang magkaroon ng COVID-19 pandemic noong Marso ng 2020 ay natengga na ang mga grassroots programs ng PSC na siyang pinagkukunan ng mga potensyal na miyembro ng national team.

“Hindi lang naman din iyon ang goal namin dahil lang sa may event tayong malaki gaya ng PNG and Batang Pinoy, but as much as all the programs na willing ang PSC na i-provide sa mga sports enthusiasts natin,” ani Malbog.

Kasalukuyan na ring nasa bubble training ang ilang national teams bilang paghahanda sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Set-yembre ng 2022.

Ilan dito ay ang boxing, athletics at karatedo sa Baguio City, fencing sa Ormoc City, badminton sa Makati City at muay thai sa Benguet.

“Sana hindi sila magkaroon ng problema sa mga bubble trainings nila,” sabi ni Malbog. “So far okay naman iyong bubble training nila. Iyong iba parang nagkaroon na ng bagong protocol for the bubble training.”

PNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with