Mika Esperanza doktor na

Mika Esperanza.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na doktor si dating De La Salle University playmaker Mika Esperanza.

Sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) kahapon, kasama si Esperanza sa 1,677 na pumasa sa Physician Licensure Examination na ginanap noong Oktubre 30.

Kaya naman walang mapagsidlan ang tuwa ni Esperanza na natupad na ang pangarap na maging bahagi ng medical community na tutulong sa pagsugpo sa pandemya.

“Sorry di ko macrop pero doktor na ko,” ayon sa post ni Esperanza sa kanyang social media at nagpasalamat ito sa lahat ng sumuporta at nanalangin sa kanya. “Thank you for all those who prayed and helped me get where I am today,” dagdag ni Esperanza na bahagi ng La Salle Lady Spikers na nagkampeon noong UAAP Season 78.

Nagtapos ng BS Psychology si Esperanza sa La Salle bago tumulak sa Med School noong 2016 sa Univ. of the East Ramon Magsaysay.

Show comments