^

PSN Palaro

Nets sinagasaan ang Pistons

Pilipino Star Ngayon
Nets sinagasaan ang Pistons
Hinarangan ni Trye Lyles ng Pistons si Nets star Kevin Durant.
STAR/ File

DETROIT - Nagrehistro si Kevin Durant ng 29 points at 10 rebounds at tumapos si James Harden na may triple-double sa 96-90 panalo ng Brooklyn Nets laban sa Pistons.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Brooklyn (6-3) na nakahugot kay Harden ng 15 points, 10 rebounds at 10 assists.

Pinamunuan ni Cade Cunningham ang Detroit (1-8) sa kanyang 17 points.

Nakadikit ang Pistons sa 86-88 sa huling tatlong minuto ng fourth quarter mula sa 62-78 pagkakabaon bago bumida si Durant para muling ilayo ang Nets sa 94-89 sa nalalabing 12.9 segundo.

Sa Milwaukee, humakot si Julius Randle ng 32 points at 12 rebounds at binura ng New York Knicks (6-3) ang 21-point deficit para kunin ang 113-98 pa­nalo sa nagdedepensang Bucks (4-5).

Sa Minneapolis, nagsalansan si Paul George ng 21 points at 11 rebounds para sa 104-84 pagbugbog ng Los Angeles Clippers (4-4) sa Minnesota Timberwolves (3-5).

Sa iba pang laro, tinalo ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 126-85; dinaig ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 102-89; pinadapa ng Washington Wizards ang Memphis Grizzlies, 115-87; binigo ng Cleveland Cavaliers ang Toronto Raptors, 102-101 at wagi ang Portland Trail Blazers sa Indiana Pacers, 110-106.

KEVIN DURANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with