MANILA, Philippines — Humingi ng pang-unawa si Filipino-Japanese golfer Yuka Saso sa naging desisyon nitong piliing katawanin ang Japan sa mga international competitions.
Ayon kay Saso, mananatili sa kanyang puso at isipan ang dugong Pinoy dahil isa itong lehitimong Pilipina na ipinanganak sa Pilipinas ng kanyang Japanese na tatay at Pilipinang nanay.
Parehong kabisado ni Saso ang kultura ng Japan at Pilipinas na hindi nito kailanman tatalikuran.
“I am a Filipina, born in the Philippines to a Japanese father and Filipino mother. I was raised in both Japan and the Philippines. I am immensely proud of my dual heritage and that will never change,” ani Saso.
Sa ilalim ng batas sa Japan, kailangang pumili ng isang dual citizen kung anong citizenship ang gagamitin nito sa oras na tumuntong ito sa edad na 22.
Nakatakdang mag-22 si Saso sa Hunyo 20, 2023.
At matapos ang konsultasyon, nagpasya si Saso na piliin ang Japanese citizenship.
“Under Japanese law, prior to turning 22 years old, I have to choose between Japanese and Filipino citizenship. I will be turning 22 years old on 20 June 2022 and, after much thought and consultation with my family, friends and advisors, I have begun the process of acquiring Japanese citizenship,” ani Saso.
Nagpasalamat si Saso sa mga tagahanga nito sa Pilipinas at Japan sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
Naniniwala si Saso na hindi nito maaabot ang kanyang kasalukuyang estado kung hindi dahil sa tulong ng kanyang mga supporters.