^

PSN Palaro

Back-to-back PBA titles target ng TNT Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Back-to-back PBA titles target ng TNT Tropang Giga
Paparada ng TNT Tropang Giga si McKenzie Moore
STAR/File

MANILA, Philippines — Puntirya ang ikalawang sunod na korona, ipaparada ng 2021 PBA Philippine Cup champions TNT Tropang Giga si dating Texas-El Paso standout McKenzie Moore para sa darating na Reinforced Conference.

Naging teammate na ni super rookie Mikey Williams ang 6-foot-6 na si McKenzie sa Mighty Sports team na nagdomina sa Jones Cup sa Taipei noong 2019 kasama nina dating PBA imports Renaldo Balkman, Hamady NDiaye, Zach Graham at Eugene Phelps.

Isa ang 29-anyos na si McKenzie sa mga imports na binigyan ng clearance ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) para makapaglaro sa PBA tournament na itatakda sa huling linggo ng buwan.

Nanggaling ang Tropang Giga sa paghahari sa nakaraang Philippine Cup kung saan nila sinibak ang Magnolia Hotshots, 4-1, sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Minalas naman ang TNT sa 2019 Commissioner’s Cup Finals laban sa San Miguel.

Kumampanya na si McKenzie sa New Zealand, Belgium, Greece, Russia, Turkey at Poland at nagmula sa Israeli Premier League kung saan siya naglaro para sa Ironi Nahariya.

Mapapalaban nang husto si McKenzie sa PBA sa muling paglalaro nina Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee, KJ McDaniels (NLEX), Mike Harris (Magnolia), Henry Walker (Rain or Shine), Paul Harris (Phoenix), Brendan Brown (San Miguel), Ola Ashaolu (Alaska) at Shabazz Muhammad (Meralco).

Si Muhammad ang bagong mukha sa liga na ipaparada ng Bolts, hindi nakuha ang serbisyo ni Best Import Allen Durham na kasalukuyang naglalaro para sa Ryukyu Golden Kings sa Japan B.League.

Ang 28-anyos na si Muhammad ay isang da­ting NBA first-round pick na naglaro para sa Minnesota Timberwolves at Milwaukee Bucks.

vuukle comment

PBA

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with