Butler nagyabang, patutumbahin si Casimero

MANILA, Philippines — Tiwala si dating world champion Paul Butler na maaagaw nito ang koronang hawak ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Disyembre 11.

Naniniwala si Butler na mas may bentahe ito kumpara sa mas maliit na si Casimero.

May taas na 5-foot-6 si Butler habang 5-foot-4 lamang si Casimero.

“I know he’s a little bit smaller than me, maybe a bit speed. Obviously, he’s quite tricky with his feet, he’s planting left, right,” ani Butler sa programang Beyond the Ring.

Ipinagmalaki ni Butler na napanood na nito ang mga laban ni Casimero kaya’t may nakahanda na itong game plan kung paano tatalunin ang Pinoy champion.

Ilan sa mga tinututukan ni Butler ang estilo ni Casimero.

“I just take the feet out of range a little bit but we have a game plan obviously and we don’t wanna give too much away,” ani Butler.

Hindi nagbigay ng prediksiyon si Butler ngunit handa itong makuha ang knockout win kay Casimero sa oras na mabigyan ito ng pagkakataong makapasok at maitarak ang knockout punch.

“If a TKO comes, then it comes but it doesn’t I’ll box toward a dozen, that’s the way the game is,” ani Butler.

Subalit alam in Butler na mapanganib na kalaban si Casimero.

Kaya naman hindi basta-basta ang KO win lalo pa’t palaban din si Casimero.

Wala pang pahayag si Casimero ngunit inaasahang reresbak ito sa oras na mapanood nito ang interview ni Butler.

Show comments