Pinoy Spikers laglag sa battle-for-9th
MANILA, Philippines — Puntirya ng men’s national volleyball team na magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya nito sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na ginaganap sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Makakasagupa ng Pinoy Spikers ang CEB-Sri Lanka sa alas-4:30 ng hapon sa classification round kung saan paglalabanan ang ninth place.
Nahulog sa classification round ang Pinoy squad matapos mabigong makapagtala ng panalo sa Pool B sa apat na pagsalang nito.
Sa kanilang huling laro sa group stage, lumasap ang Pilipinas ng dikdikang 34-36, 26-24, 28-26, 19-25, 12-15 kabiguan sa kamay ng Diamond Food-Thailand para mahulog sa 0-4 rekord.
Nanguna para sa Thai squad si Kantapat Koonmee na nagpasabog ng 36 points mula sa 32 attacks at blocks.
Bumida para sa Pinoy Spikers si University of Santo Tomas outside hitter Jao Umandal na nagtala ng 26 puntos samantalang may nakuhang 23 hits si Mark Alfafara.
Nag-ambag naman si team captain John Vic De Guzman ng 20 points.
- Latest