^

PSN Palaro

Magnolia puro na!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia puro na!
Ginamit ni Magnolia big man Ian Sangalang ang kanyang laki laban kay Meralco guard Chris Newsome
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng Magnolia para umabante sa kanilang ika-31st PBA finals appearance.

Pinabagsak ng Hotshots ang Meralco Bolts, 81-69, sa Game Four ng kanilang semifinals series sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagsalansan sina Ian Sangalang, Calvin Abueva at Mark Barroca ng tig-17 points para sa 3-1 bentahe ng Magnolia sa best-of-seven semis showdown nila ng Meralco.

“Mahirap mag-close ng series. So kung ano iyong effort namin dapat mas triple pa,” sabi ni Barroca sa tangkang pagsibak ng Hotshots sa Bolts sa Game Five sa Miyerkules papasok sa PBA Finals.

Nalampasan ng Magnolia ang pagbangon ng Meralco mula sa 19-point deficit, 50-69, sa pagsisimula ng fourth period para ilapit ang laro sa 69-74 sa huling 2:34 minuto.

Ang triple ni Barroca at split ni Rafi Reavis ang mu­ling naglayo sa Hotshots sa 78-69 sa nalalabing 1:23 minuto ng laro.

Sa unang laro, binugbog ng San Miguel ang TNT, 116-90, para itabla sa 2-2 ang kanilang serye tampok ang 25 points ni Moala Tautuaa.

“If you will notice in the past three games namin we’re always in a catch up situation eh. We were able to get a good start because we’re trying to limit our turnover,” sabi ni mentor Leo Austria.

Kaagad kinuha ng Beermen ang 57-32 abante sa halftime bago ito palobohin sa 37-point lead, 81-44, mula sa triple ni Marcio Lassiter sa 4:30 minuto ng third quarter.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Tropang Giga.

Samantala, magtatakda ang PBA ng import height limit na 6-foot-6 para sa binabalak nilang second conference sa susunod na buwan.

Kailangan ding fully-vaccinated na laban sa COVID-19 ang mga imports na maglalaro sa torneo.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with