Jawo may stamps na rin

MANILA, Philippines — Mas lalo pang pani­ningningin ang pangalan ni legendary basketball player Robert “The Big J” Jaworski.

Ito ay dahil bibigyan ng tribute ng Philippine Post Office (Philpost) si Jaworski sa pamamagitan ng stamps.

Ito ang inihayag ni Philippine Racing Commission chairman Reli de Leon kung saan bibigyang-pugay si Jaworski dahil sa kontribusyon nito sa mundo ng basketball sa Pilipinas.

Isa si Jaworski sa mga tinitingala sa Philippine basketball kung saan bahagi ito ng 40 Greatest Players sa Philippine Basketball Association at naging miyembro ng PBA Hall of Fame noong 2005.

Kamakailan lamang ay napasama naman ito sa listahan ng mga atletang iniluklok sa Philippine Sports Hall of Fame.

Kasama ni Jaworski sa listahan sina Dionisio Calvo (basketball at football coach), Gertrudes Lozada (swimming), Rogelio Onofre (athletics), at sina Olympic bronze medalist boxers Leopoldo Serantes at Roel Velasco.

Nakilala ng husto si Jaworski noong nasa Ginebra pa ito.

Kasama ito sa mga nagpasikat ng “never say die” attitude ng Ginebra na hanggang sa mga panahong ito ay ang numero u­nong mantra ng Gin Kings.

Show comments