^

PSN Palaro

Grizzlies-Bucks game ‘di natapos

Pilipino Star Ngayon
Grizzlies-Bucks game ‘di natapos
Kyrie Irving
AFP

Dahil sa pagtunog ng fire alarm

MEMPHIS, Tennessee, Philippines — Hindi na tinapos ang preseason game ng Grizzlies at nagdedepensang Milwaukee Bucks matapos tumunog ang fire alarm na nagresulta sa paglabas ng mga fans sa FedExForum.

Hawak ng Grizzlies ang 87-77 abante sa third quarter nang ihinto ang unang preseason opener nila ng Bucks.

Sinabi ng mga opisyales na tumunog ang fire alarm nang tamaan ito ng sprinkler sa isang non-public area.

Sa New York, hindi sumama si Kyrie Irving sa ensayo ng Brooklyn Nets sa kanyang pag-iwas sa mga tanong tungkol sa pagtanggi niyang magpabakuna.

“We support him, we’re here for him. When things change and there’s a resolution, we’re here for him,” ani Nets coach Steve Nash kay Irving.

Nauna nang inamin ni Irving na hindi pa siya bakunado laban sa COVID-19.

Ang New York ay may vaccine mandate kung saan kailangang bakunado na ang mga atletang mag-eensayo o maglalaro sa kanilang siyudad.

Sa Madrid, Spain, opis­yal nang inihayag ni center Pau Gasol ang kanyang pagreretiro na tinampukan ng dalawang NBA championship at isang world championship gold para sa national team ng Spain.

Nanalo ang 41-anyos na si Gasol ng dalawang NBA titles para sa Los Angeles Lakers noong 2009 at 2010.

FEDEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with