MANILA, Philippines — Tunay na isang legendary boxer si eight-division world champion Manny Pacquiao.
Sa katunayan, inihalintulad pa ito ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kay Muhammad Ali na itinuturing din na greatest boxer of all time sa kanyang kapanahunan.
“What a wonderful, caring human being he is. It’s almost like Muhammad Ali,” pahayag ni Arum sa World Boxing Net.
Partikular na tinukoy ni Arum ang bilis ni Ali na makikita rin kay Pacquiao sa tuwing tumutungtong ito sa ibabaw ng ring.
“When people talk to me about Ali, they talk about his speed, and this and that, and I really begin to tune them out. For me, Ali means so much more. Same thing with Pacquiao. I don’t want to demean what he accomplished in the ring because it was great,” ani Arum.
Kabisado ni Arum sina Ali at Pacquiao.
Makailang beses din na hinawakan ni Arum ang promotions ng boxing career ni Ali kabilang na ang title defense nito noong 1966.
Sa kabilang banda, naging promotional outfit din ni Pacquiao si Arum sa nakalipas na laban nito bago tuluyang kumalas sa American promoter at magtayo ng sariling grupo — ang MP Promotions.
Naglabas ng statement si Arum ilang araw matapos pormal na ihayag ni Pacquiao ang pagreretiro nito.
Noon pa man, alam na ni Arum na tatakbo si Pacquiao sa Presidential Election sa 2022.
Subalit madalas itong itinatanggi ni Pacquiao.
Nakumpirma lamang na tama ang sinasabi ni Arum nang mismong si Pacquiao na ang magdeklara na sasabak ito sa 2022 National Election.