^

PSN Palaro

Biado mas pinapahalagahan ang pagiging national athlete

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinakda ang malakihang Predator World 10-Ball Championships sa Marso ng 2022 sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit makakasabay nito ang 2022 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Marso 10-20 sa Thailand na lalahukan ng Pilipinas, ayon kay 2021 US Open 9-Ball champion Carlo Biado.

“Sa tingin ko, alam ko kasabay yata ng AIMAG iyong World 10-Ball eh,” ani Biado. “So puwedeng hindi ko masalihan iyong (World) 10-Ball kasi siyempre, mas prio­rity natin iyong AIMAG dahil nasa Philippine team tayo eh.”

Sa 2022  AIMAG ay nakalatag ang men’s at women’s 9-ball events.

“We are allowed only two players each in men and women’s 9-ball,” wika ni Billiards and Sports Confederation of the Philippines (BSCP) Secretary-General Robert Mananquil. “Alam ni Carlo iyan na magkakaroon ng elimination iyan, although with his record now, tingnan natin.”

Sa nakaraang US Open 9-Ball finals sa Atlantic City ay binura ni Biado ang five-rack deficit para resbakan si Singaporean Aloysius Yapp, 13-8, at tapusin ang 27-taong pagkauhaw ng Pinas sa nasabing korona.

Bukod sa 2022 AIMAG ay lalahok din ang 37-anyos na tubong La Union sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Binigyan kamakailan ng SEAG Federation ang Vietnam ng hanggang Oktubre para magdesisyon kung itutuloy o kakanselahin ang pagdaraos nila ng biennial event.

PREDATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with