^

PSN Palaro

Pacquiao kokonsulta sa pamilya

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao kokonsulta sa pamilya
Manny Pacquiao
STAR/File

Para sa farewell fight

MANILA, Philippines — Wala pang pinal na desisyon si People’s Champion Manny Pacquiao para sa kanyang “one last fight” na planong ganapin sa Enero sa susunod na taon.

Nais ni Pacquiao na makuha ang opinyon ng kanyang pamilya bago tuluyang magdesisyon kung muli itong tutuntong sa ibabaw ng ring.

Kabisado naman ni Pacquiao ang estado ng kanyang pangangatawan.

Sa kanyang sariling opinyon, kaya pa nitong lumaban.

Sa katunayan, interesado si Pacquiao na maikasa ang blockbuster rematch kay reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordernis Ugas sa Enero.

Ngunit bago ito magdesisyon, makikipag-usap muna ng masinsinan si Pacquiao sa kanyang pamilya kung lalaban pa ito o hindi na.

“Base sa kundisyon ng katawan ko at ng health ko, kaya ko pa lumaban pero matagal na ako sa boxing. More than two decades na. Kailangan ko i-consider ang opinion ng family ko,” ani Pacquiao.

Nasa 42-anyos na si Pacquiao at kapuna-puna na ang pagbagal nito sa ibabaw ng ring.

Sa katunayan, napansin ito ng mga boxing analysts sa kanyang huling laban kay Ugas kung saan lumasap ito ng unanimous decision loss noong Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Tinukoy ni Pacquiao ang cramps sa sa hu­ling bahagi ng laban sa pangunahing dahilan ng pagbagal nito.

Isa sa itinuturong dahilan ang pagiging overtrained ni Pacquiao.

Sumalang pa sa dalawang sprints si Pacquiao ilang araw bago ang laban — isang malaking pagkakamali na inamin ng Pinoy champion.

Inaasahang anumang araw ay maglalabas ng desisyon si Pacquiao kung tatakbo ito sa Presidential Election sa susunod taon o hindi.

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with