Bejino kulelat na naman
MANILA, Philippines — Minalas na naman si national para swimmer Gary Bejino na makapasok sa finals nang mangulelat sa heats ng men’s 400-meter freestyle S6 category sa Tokyo Paralympics kahapon sa Tokyo Aquatic Centre.
Nagsumite si Bejino ng tiyempong 5:52.28 sa first heat at pinakahuling tumapos sa kabuuang 13 tankers na lumangoy sa event.
“Gary did not make it to the finals, although nag-improve naman po ang time niya compared to his time of 6:10 in Berlin,” sabi ni para swimming coach Tony Ong sa oras ni Bejino sa Berlin event sa Germany noong Hunyo.
Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na nabigo ang 25-anyos na si Bejino na makaabante sa medal round.
Tatapusin ni Bejino ang kanyang Paralympics campaign ngayong alas-8:23 ng umaga sa men’s 100-meter backstroke S6.
Kakarera din si wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa men’s 100-meter-T52 race, ang kanyang final event, ngayong umaga.
Samantala, nagpositibo sa COVID-19 si para taekwondo jin Allain Ganapin at hindi na nakaalis ng Manila.
- Latest