Zamboanga makikipagbugbugan kay Seo

MANILA, Philippines — Handang-handa na si ONE Championship No.1 atomweight contender Denice “Lycan Queen” Zamboanga sa pagsagupa kay No. 5 South Korean Seo Hee Ham sa quarterfinal round ng ONE Wo­men’s Atomweight World Grand Prix.

“I have a very dange­rous opponent in Seo Hee Ham, and I am not looking past her,” sabi ni Zam­boanga sa kanilang bakbakan ng Korean fighter sa Set­yembre 3.

Nakatakda ang finals ng torneo na tatawaging ONE: EMPOWER sa susunod na buwan.

Si Zamboanga ay na­kabase ngayon sa Bangkok, Thailand kung saan siya sumasabak sa matin­ding ensayo bilang preparasyon kay Seo na ikinukunsiderang ‘dark horse’ para magreyna sa torneo.

Hindi naman matatawaran ang tapang ng Pinay amazon na tumalo sa mga paboritong sina Malaysian star Jihin Radzuan at dating ONE World Title challenger Mei Yamaguchi.

Ang mananalo sa Grand Prix ang hahamon kay ONE atomweight champion Angela “Unstoppable” Lee para sa World Title.

Show comments