Gawilan nakuntento sa 6th place

MANILA, Philippines — Tumapos si national swimmer Ernie Gawilan sa sixth place at nabigong makasikwat ng medalya sa men’s 400-meter freestyle S7 finals ng Tokyo Paralympics kahapon sa Tokyo Aquatics Centre.

Nagsumite si Gawilan ng tiyempong 4:56.24 na mas mabilis ng dalawang segundo sa nailista niya sa preliminaries noong umaga.

Lalangoy muli si Gawilan ngayong alas-9:03 ng umaga sa heat 2 ng men’s 100m backstroke S7 para sa kanyang ikatlong event kasunod si Gary Bejino sa heat 1 ng men’s 50-meter butterfly S6 sa alas-9:36 ng umaga.

Samantala, nagpositibo rin sa COVID-19 si discus thrower Jeanette Aceveda at kanyang coach na si Bernard Buen dalawang araw bago sumalang sa athletics event.

Kasalukuyan na silang naka-quarantine.

Show comments