MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) ang pangalan ng isang miyembro ng six-man national delegation na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay PPC president Mike Barredo, ikinalungkot ni national powerlifter Achele Guion ang pagiging COVID-19 positive niya kaya hindi siya nakasama sa grupong sasabak sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.
“Jinky (Guion) is deeply frustrated that she will not be able to compete in her powerlifting event for her country after training for so long, and especially getting much inspiration from Hidilyn Diaz, a powerlifter like herself and the first Filipino to win an Olympic gold medal,” ani Barredo.
Bukod kay Guion, nagpositibo rin sa virus ang kanyang coach na si Antonio Tagubao at sina Team Philippines Chef De Mission Kiko Diaz at para athletics mentor Joel Deriada.
Sina Guion, Tagubao, Diaz at Deriada ay kasalukuyan nang nasa isolation at pawang mga asymptomatic at nasa magandang kalagayan.