Tapos na ang pagdaraos ng kauna-unahang propesyunal na kompetisyon ng volleyball dito sa Pilipinas, ang Premier Volleyball League. Noong ika-13 ng Agosto itinakdang kampeon ang koponan ng Chery Tiggo kontra sa koponan ng Creamline Cool Smashers.
Pinangunahan nina Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Jasmine Nabor, Shaya Adorador, Maika Ortiz at Mylene Paat ang Chery Tiggo upang masungkit ang inaasam na medalyang ginto.
Hindi madali ang pinagdaanan ng mga koponang lumahok sa PVL sapagkat napaka-tight ng iskedyul ng liga. Sa loob ng isang Linggo ay nakaka-dalawa hanggang tatlong laro sila. Sa isang araw, tatlong games ang mayroon. Wala na halos recovery time ang mga manlalaro. Higit na wala ng pahinga ang players nang ipatupad ang ‘no rest day’ dahil nagpatupad muli ng ECQ ang mga lalawigan sa Luzon kaya naman isa ito sa dahilan kung bakit kinailangan madaliin matapos ang mga laro. Bunga ng kawalang recovery time for the players. Hindi biro ang araw-araw na laro dahil mabigat ang mga labang nilalaruan pagkatapos ay muli na namang sasabak sa panibagong laban kinabukasan. Saludo ako sa lahat ng mga atletang nagbuhos ng maraming dedikasyon, sakripisyo, at pagtitiis na sumabak sa ganitong klase ng labanan. Nagpamalas pa rin ng talento at kahusayan sa larangan ng volleyball sa kabila ng maraming pagsubok.
Gayunpaman, may awa akong nararamdaman para sa mga atletang nakakaramdam ng sakit at mild injuries na iniinda para lang makapaglaro. Nakakalungkot din ang inabot ni Maddie Madayag mula sa Choco Mucho na nagtamo ng injury sa tuhod matapos ang game 1 ng semi-finals nila.
Sa susunod na conference ng PVL ay muli ng lalahok ang aking koponan na F2 Logistics Cargo Movers. Nawa’y maging maganda na ang sitwasyon ng iskedyul ng mga laro at unti-unti ng bumalik sa dating normal ang lahat.