'I apologize': Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy

Manny Pacquiao and Errol Spence Jr pose for the media following their press conference at Fox Studios on July 11, 2021 in Los Angeles, California. Their fight is scheduled on Aug. 21, 2021 at T-Mobile Arena in Las Vegas, Nevada.
Michael Owens/Getty Images/AFP Michael Owens / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata.

Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas).

"I am very disappointed that I won’t be able to fight Manny Pacquiao on August 21st. Unfortunately, the doctors found a small tear in my eye and said I need to get surgery ASAP," sabi ni Spence kanina sa isang paskil online.

"There is no way I can fight with my eye in that condition I would like to apologize to everyone and thank you all for the support, You know I’ll be back soon, I’ve came back from worse."

Dahil dito, mapapalitan si Spence ng World Boxing Association welterweight champ na si Tordenis Ugas para depensahan ang kanyang titulo laban sa 42-anyos na "fighting senator" sa parehong petsa.

Matatandaang natalo ni Ugas si Abel Ramos nitong Setyembre at hinirang na WBA welterweight champ matapos itong bawiin kay Pacquiao bunsod ng "inactivity."

Si Spence ang kampeon  sa parehong division ng International Boxing Federation simula 2017 at World Boxing Council simula 2019.

"I came back from worse. Went to three different doctors all said the same thing I'll be back for the winner for sure. I was taught to get through it and keep going," patuloy ng Amerikano.

Ipinagdarasal naman ngayon ni Pacquiao ang agarang paggaling ng orihinal na makahaharap, ayon sa isang pahayag. "Thank God his physical examination discovered his eye condition before he suffered any further damage," wika ng Pinoy boxer.

"I have agreed to fight Yordenis Ugas on August 21 for the WBA welterweight super championship. The proper way and the only way to win a world title is inside the ring." — James Relativo at may mga ulat mula sa Agence France Presse

Show comments