Saso umangat sa 20th place

Yuka Saso

TOKYO — Mula sa malamyang first at second round ay nagtala si 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ng isang four-under 67 sa third round para makasama sa leaderboard sa Tokyo Olympics women’s golf kahapon sa Kasumigaseki Country Club.

Tumabla ang 20-anyos na si Saso sa 20th place kasama ang apat pang golfers sa kanyang four-under 209 at 11 strokes ang agwat sa nangungunang si American Nelly Korda.

Pumalo si Korda ng 69 para sa kanyang 15-under 198 total sa pagtatapos ng kompetisyon ngayong araw.

Nagpagulong ang Fil-Japanese ng limang birdies kasama ang dalawa sa 8th at 9th holes habang may isang bogey siya sa 10th.

Ang nasabing birdie-birdie finish ng 2018 Asian Games double gold meda­list ang nag-alis sa kanya mula sa joint 34th para makisosyo sa 20th place buhat sa four-under 209.

Nasa ikalawang puwesto si Indian Aditi Ashok sa kanyang 12-under 201.

Humataw naman si Bianca Pagdanganan ng 71 - para sumosyo sa 29th place kasama ang dalawa pang golfers.

Show comments