MANILA, Philippines — Panalo na naman ang isang atletang Pinoy sa larangan ng boxing sa 2020 Tokyo Olympics matapos talunin ang nakalabang Hapon sa semi-finals ngayong Huwebes ng hapon.
Tiyak na ang silver medal ni Carlo Paalam matapos niyang talunin sa pamamagitan ng "unanimous decision" si Ryomei Tanaka (Japan) sa Men's fly (48-52kg), Huwebes.
Pumabor kay Paalam ang limang hurado ngayong araw, dahilan para mag-advance siya sa susunod na round ng patimpalak.
LOOK | Carlo Paalam reacts as the judges give him a unanimous decision against Tanaka Ryomei of Japan. He is assured of at least a silver medal in #boxing! #Tokyo2020 #SeeUsStronger pic.twitter.com/tnYiDDw56U
— ONE News PH (@onenewsph) August 5, 2021
Kaugnay niyan, pwedeng-pwede pa niyang makuha ang gintong medalya kung madadaig ang susunod na makakalaban sa paparating na gold medal bout.
Makakaharap ni Paalam si Galal Yafai ng Great Britain, na tumalo kay Saken Bibossinov ng Kazakhstan.
Una nang ginulat ni Paalam ang mundo matapos durgin ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarter-final.