Pacquiao sasalo sa selebrasyon ng team Philippines

Manny Pacquiao at Errol Spence Jr.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May 18 araw na lang bago muling tumuntong sa ibabaw ng ring si People’s Champ Manny Pacquiao.

At umaasa ito na muling mabigyan ng karangalan ang Pilipinas sa pakikipagtuos kay reigning world champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas Nevada.

Kasalukuyang nasa cloud nine ang Pilipinas dahil sa kaliwa’t kanan ang tagumpay ng Pinoy athletes sa Tokyo Olympics.

Hangad ni Pacquiao na dagdagan pa ang selebras­yon ng buong sambayanan upang lalong paangatin ang moral ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

“Hard work is the most difficult thing in boxing. I’m so honored and thankful to the Filipino people for always being there chee­ring for me,” ani Pacquiao sa video na nakapost sa kanyang social media account kahapon.

Sinabi ni Pacquiao na kumukuha ito ng lakas sa mainit na suporta ng mga Pinoy fans sa iba’t ibang panig ng mundo.

Higit sa lahat, hindi na­wawala ang pananampalataya nito.

“This is where I get ins­piration, your support and prayer for me. God is good all the time, always protec­ting me, giving me strength and keeping me safe,” ani Pacquiao.

Kaya naman handa si Pacquiao na ibuhos ang lahat ng lakas nito para mabigyan ng panibagong karangalan ang Pilipinas.

“Boxing is my passion and I want to fight the best, it means a lot. Doing this fight it’s very important that I can bring another honor to my country,” dagdag ni Pacquiao.

Target ni Pacquiao na maagaw ang dalawang korona ni Spence — ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight belts.

Alam ni Pacquiao na mabigat ang labang haharapin nito kaya’t walang tigil sa ensayo ang Pinoy champion para masiguro na nasa kundisyon ito.

Show comments