^

PSN Palaro

P17M, 'unli flights' at tirahan nakaabang na kay Petecio bilang Olympic silver medalist

James Relativo - Philstar.com
P17M, 'unli flights' at tirahan nakaabang na kay Petecio bilang Olympic silver medalist
Second-placed Philippines' Nesthy Petecio celebrates after the women's feather (54-57kg) boxing final bout against Japan's Sena Irie during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Kokugikan Arena in Tokyo on August 3, 2021.
AFP/Pool/Luis Robayo

MANILA, Philippines — Kagaya ni gold medalist Hidilyn Diaz, nagsimula na ring pinaulanan ng pabuya ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio matapos niyang makasungkit ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics.

Martes lang nang makuha ni Nesthy ang medalyang pilak matapos makaharap ang Haponesang si Sena Irie para sa women's featherweight finals ng Olympics.

Pero bukod sa palamuti sa leeg, anu-ano nga ba ang makukuha ng boksingera mula Davao City? Alamin natin.

Limpak-limpak na salapi

Garantisado na ang P5 milyon para kay Nesthy mula sa gobyerno bilang silver medalist, alinsunod na rin sa Republic Act 10699 o "National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act."

Bukod pa riyan, makakakuha rin siya ng tig-P5 milyon mula sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) at San Miguel Corp. ng negosyanteng si Ramon Ang.

Sigurado na rin aniya ang P2 milyong ipagkakaloob din ni 1-Pacman party-list Mikee Romero, dahilan para pumatak sa P17 milyon sumatutal ang kanyang cash incentives. Pero hindi nagtatapos diyan ang matatanggap niyang gantimpala.

Sa kabila ng ito, maaaring buwisan ang mga gantipalang ibinibigay sa mga atletang nananalo sa Olympics.

Bahay, lupa at condo

Kanina lang nang ipangako ng real estate tycoon na si Andrew Tan ang P10-milyong halaga ng residential condominium unit sa One Lakeshore Drive, bagay na matatagpuan sa 11.2-ektaryang Davao Park District sa Lanang, Davao City.

"Fully furnished" unit na 'yan at isang oras lang mula sa Sta. Cruz, Davao del Sur, kung saan talaga nakatira ang boksingera.

"We are very proud of this huge accomplishment of Nesthy Petecio. Her silver medal in the Olymnpics is a historic one because this women's featherweight division of boxing debuts only in this Tokyo Olympics, and she is the first silver medalist in the category," ani Harrison Paltongan, presidente ng Suntrust Properties Inc.

"Rightfully, she deserves the reward from our chairman, Dr. Andrew Tan, for the pride she gives to the Filipino Nation."

Iba pa 'yan sa P2.5 milyong halagang bahay at lupa na ipinangako ng Ovialand sa Candelaria, Quezon, kahit na hindi pa niya nakakaharap si Irie. 

Nanggaling mula sa mahirap na pamilya si Nesthy, bagay na isa sa mga naging inspirasyon niya kung bakit naisipang magsuot ng gloves at lumaban: "I experienced living in a shelter with only a tarpaulin to cover us. I’m not ashamed of it because I know in my heart that God is watching us and my day will come," sabi niya noon sa panayam sa The STAR.

'Wantusawang' biyahe sa eroplano

Nangako na rin ng Philippine Airlines at AirAsia Philippines ng libreng flights para kay Petecio: ang una panghabambuhay (sa limitadong layo kada taon), ang ikalawa walang hanggan sa distansya (sa loob ng limang taon).

"Your silver win showed the heart of a strong Filipina to the world! Thank you for making the country proud. Philippine Airlines is gifting Nesthy Petecio 60,000 Mabuhay Miles per year, for life — adding her to our growing list of Forever Flyers," ayon sa flag carrier ng Pilipinas kanina.

 

 

Unli-biyahe naman ang pakulo ng AirAsia para kay Nesthy, bagay na tatagal ng hanggang limang taon.

"To honor the Philippines' first Filipina boxer silver medalist, AirAsia Philippines is giving Petecio 5 YEARS UNLIMITED FLIGHTS," ayon sa naturang airlines.

"Petecio's amazing victory in the women's featherweight (54-57 kg) was not a fairy tale, especially that she had to score a clean win (via unanimous devision) against Columbian boxer Yeni Marelca Arias Castanesa in the quarter finals. She also defeated European boxing champion Irma Testa of Italy via split decision in the semi-final bout."

— may mga ulat mula kay The STAR/Joey Villar at sa BusinessWorld

2020 TOKYO OLYMPICS

BOXING

NESTHY PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with