MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics, malaking dagok ang tumama sa Team HD ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos magdesisyon si Chinese coach Gao Kaiwen na bumalik na sa China upang makasama ang kanyang pamilya.
Hanggang sa Disyembre pa si Gao sa kanyang kontrata ngunit hiniling nito sa Philippine Sports Commission (PSC) na tapusin na ito hanggang sa Agosto na lamang.
Nais ni Gao na bumalik na sa China sa Setyembre dahil mahigit isang taon na hindi nito nakakasama ang kanyang pamilya.
Nais sana ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na manatili si Gao sa Team HD para sa mga susunod na kampanya ni Diaz partikular na ang World Championships sa Nobyembre at ang Southeast Asian Games sa susunod na taon.
Malaki rin ang posibilidad na bumalik si Diaz sa 2024 Olympics sa Paris, France kaya’t malaking kawalan si Gao sa oras na gumulong na ulit ang training camp ng Pinay weighlifter.
Wala naman magawa si Puentevella sa desisyon ni Gao. Umaasa ito na magbabago pa ang desisyon ng Chinese coach.
Mahusay na coach si Gao.