Pinoy pole vaulter EJ Obiena dasal ang hingi para sa Olympic finals niya bukas

Philippine's Ernest John Obiena reacts during the Pole Vault Men competition of the ISTAF INDOOR (Internationales Stadionfest) international athletics meeting on February 5, 2021 in Berlin.
AFP/Pool/Tobias Schwarz

MANILA, Philippines — Panalangin ang hiling ngayon ng Filipino athlete na si Ernest John Obiena mula sa kanyang mga tagahanga sa kanyang pagsabak sa men's pole vault finals ng Olympics sa Martes.

Sabado nang mag-qualify para sa "medal round" si EJ matapos ma-clear ang 5.75 metrong marka.

"Pole vault finals happening tomorrow Aug 3 at 6:20pm Philippine time," wika ni Obiena sa kanyang paskil sa Facebook, Lunes.

"Once again, I am asking for your prayers while I go against the world's best. I rest it all to You, Lord."

 

 

Kabilang si EJ sa 14 nakapasok sa finals ng 2020 Tokyo Olympics bukas. Makakasabayan niya sina:

  • Emmanouil Karalis (Greece)
  • Thiago Braz (Brazil)
  • Menno Vloon (Netherlands)
  • Renaud Lavillenie (France)
  • Christopher Nilsen (USA)
  • Kurtis Marschall (Australia)
  • Bo Kanda Lita Baehre (Germany)
  • Kc Lightfoot (USA)
  • Armand Duplantis (Sweden)
  • Harry Coppell (Great Britain)
  • Oleg Zernikel (Germany)
  • Ersu Sasma (Turkey)
  • Piotr Lisek (Poland)

Kasama sa kanyang makakaharap ang defending champion na si Braz. Nasa listahan din si Duplantis, na kasalukuang world record-holder sa nasabing sport.

Kung papalarin si EJ, siya na ang magiging ikalawang Olympic medalist ng Pilipinas ngayong taon matapos maipanalo ng Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz ang ginto noong nakaraang linggo. — James Relativo

Show comments