^

PSN Palaro

Rain or Shine gustong solohin ang liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Rain or Shine coach Chris Gavina sa prinsipyo ni American basketball coaching legend Bobby Knight.

Kaya ito ang kanyang pinagbabasehan sa paggawa ng game plan.

“The great Bobby Knight said the most prepared teams are the most hardworking teams,” sabi ni Gavina. “And it coincides with our identity and who we are because we wanted to be the most hardworking team in the PBA.”

Pupuntiryahin ng Elasto Painters ang solong liderato sa pagharap sa Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagmula ang Rain or Shine (3-0) sa 85-72 panalo sa Meralco (2-1) at nakalasap naman ang Aces (1-2) ng ikalawang sunod na kabiguan sa mga kamay ng Phoenix, 93-101.

Sina Rey Nambatac, Javee Mocon, Beau Belga at Gabe Norwood ang mu­ling babandera para sa Elasto Painters laban kina Abu Tratter, Gab Banal, Mike DiGregorio at Mave­rick Ahanmisi ng Aces.

Sa unang laro sa alas-12:30 ng tanghali ay lalabanan ng San Miguel (2-1) ang kulelat na Blackwater (0-3) habang magkikita ang Meralco (2-1) at Phoenix (1-2) sa alas-6 ng gabi.

Umiskor ang Beermen ng 88-86 panalo laban sa NorthPort Batang Pier (1-2) sa kanilang huling laro noong Linggo at nakalasap ang Bossing ng 81-96 pagkatalo sa Ginebra Gin Kings (2-1).

“I hope this momentum magtuluy-tuloy na  because we have another game on Wednesday and after Blackwater we have two big teams, Ginebra and Magnolia,” ani San Miguel coach Leo Austria.

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with