Nievarez preparado sa q’finals

TOKYO - Bumalik si rower Cris Nievarez sa Sea Forest Waterway kahapon ng umaga para paghandaan ang men’s single sculls quarterfinals na nakatakda ngayong araw.

Makakaagawan niya sa pagpuwesto sa top three sa A-B semifinals ang mga rowers mula sa Germany, Lithuania, Brazil, New Zealand at Iraq.

“Like in the heats, Cris is targeting a Top Three finish to progress to the next round. He’s calm and focused on his target,” ani rowing association treasurer Magnum Membrere.

Noong Biyernes ay napasama ang Philippine Olympic rowing debutant sa top three sa Heat 5 para umabante sa quarterfinals.

Ang parehong game plan din ang gagamitin ng 21-anyos na tubong Atimonan, Quezon sa quarterfinals kung saan ang mga top favorites ay sina German Oliver Zeidler at Lithuanian Mindaugas Griskonis.

Ang 6-foot-8 na si Zeidler ay isang European Championship gold medalist at World Championship champion habang ang 6’2 namang si Griskonis ay isang three-time European titlist.

Kung tatalunin ni Nievarez sina Brazilian Luca Verthein, Kiwi Jordan Perry at Iraqi Mohammad Al Khafaji ay makakasama siya sa A-B semifinals.

Show comments