^

PSN Palaro

Spence pagreretiruhin si Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Spence pagreretiruhin si Pacquiao
Errol Spence Jr.
Tom Pennington/Getty Images North America/AFP

MANILA, Philippines — Desidido si Errol Spence Jr. na pagreretiruhin si Manny Pacquiao sa kanilang mega fight sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Optimistiko ang reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion na makukuha nito ang panalo kontra sa Pinoy champion.

At sisiguraduhin ni Spence na sa oras na matapos ang laban, tiyak na magreretiro na si Pacquiao sa mundo ng boksing.

“I think he’ll definitely retire after this fight,” ani Spence sa panayam ng Showtime.

Malaki ang tiwala ni Spence na madedepensahan nito ang kanyang dalawang korona laban sa Pinoy pug.

Subalit hindi nito nilinaw ni Spence kung patutumbahin nito si Pacquiao via knockout.

Aminado si Pacquiao na ito ang pinakamalaking hamon sa kanyang boxing career.

Kaya naman puspusan ang training nito sa Wild Card Gym sa Hollywood, California dahil nais nitong maihanda ng lubos ang kanyang sarili.

At sa oras na lumabas ang bagsik ni Pacquiao, walang duda na mahihirapan ng husto si Spence bago maisakatuparan ang inaasam nitong pangarap na “retirement” para sa Pinoy champion.

Hindi pa man natatapos ang laban, may ibang plano na agad si Spence — ang makaharap si reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight king Terence Crawford sa isang unification bout.

BOXING

ERROL SPENCE JR.

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with