Jalalon pinagmulta ng PBA!

Jio Jalalon
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Pinagmulta at pinatawan ng suspensiyon si Jio Jalalon ng Magnolia Hotshots matapos matuklasang naglaro ito sa ligang labas na mahigpit na ipinagbabawal sa PBA.

Nalaman ng pamunuan ng PBA ang ginawang paglalaro ni Jalalon sa isang outdoor basketball game noong nakaraang linggo.

Nakausap na ni PBA commissioner Willie Marcial si Jalalon na agad namang humingi ng paumanhin dahil sa nagawa nitong kasalanan.

Sa kabila ng pagsisisi, hindi lusot si Jalalon sa parusa.

Pinatawan ito ng P75,000 na multa kasama pa ang limang araw na suspensiyon.

Maliban sa parusa ng PBA, may hiwalay na parusa ang Magnolia management sa nagawa ni Jalalon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaro sa ligang labas.

Higit pa rito, ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang anumang basketball event dahil itinutu­ring itong isa sa mga contact sports.

Isang malinaw na violation ito ng health protocols.

Nagtitiyaga ang PBA teams na mag-ensayo sa malalayong lugar upang manatiling nasa kundisyon ang pangangatawan ng mga players bago sumalang sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Pormal nang magbubukas ang season sa Hulyo 16 sa Ynares Sports Center sa Pasig City matapos aprubahan ng IATF at local government unit ng Pasig City ang kahilingan ng liga.

Show comments