Donaire kinansela ang laban kay Casimero

MANILA, Philippines — Kinansela ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang unification bout nito kontra kay John Riel Casimero na nakatakda sana sa Agosto 14 (Agosto 15 sa Maynila) sa Carson, California.

Nagsimula ang lahat sa kagustuhan ng grupo ni Donaire na sumailalim sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA) doping testing program si Casimero bago ang laban.

Ito ang naging ugat para magkaroon ng mainit na sagutan ang magkabilang kampo na nauwi sa umano’y ilang mabibigat na pasaring sa asawa ni Donaire na si Rachel.

“For the boxing culture to change, promoters and networks should veer away from unacceptable beha­vior and not encou­rage it, he expressed,” ani Donaire.

Nilinaw ni Donaire na target sana nitong ma-knockout si Casimero sa kanilang paghaharap.

Subalit wala itong ma­gagawa kundi ang kanselahin na lamang ang laban upang matapos na ang isyu.

Nanindigan si Donaire na hindi nito ibibigay kay Casimero ang inaasam nitong laban.

Wala pang pormal na anunsyo ang kampo ni Casimero patungkol sa bagong deklarasyon ni Donaire.

Show comments