MANILA, Philippines — Mananatili si veteran mentor Bo Perasol bilang head coach ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa UAAP men’s basketball.
Naglabas ng statement ang pamunuan ng UP matapos kumalat ang balitang nagbitiw si Perasol sa kanyang puwesto.
Agad na naglabas ng statement si UP College of Human Kinetics Dean Francis Diaz kung saan itinanggi nitong nagbitiw si Perasol.
Ayon kay Diaz, may prosesong sinusunod ang UP sa pagpili ng mga coaches.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang buong UP community kay Perasol matapos sumakabilang-buhay ang kanyang ina dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Maganda ang rekord ni Perasol sa limang taon nitong paghawak sa UP.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, dalawang beses pumasok sa Final Four ang UP noong Season 81 at Season 82.
Umabante ang UP sa finals noong Season 81 para tuldukan ang mahigit tatlong dekadang finals drought ng tropa.
Subalit nagkasya lamang ito sa runner-up trophy matapos matalo sa finals sa Ateneo de Manila University via 0-2 sa best-of-three.