^

PSN Palaro

Best Philippine swimming team handa na sa national tryout

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Best Philippine swimming team handa na sa national tryout
Micaela Jasmine Mojdeh
STAR/ File

Para sa 2021 Vietnam sea games

MANILA, Philippines — Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet.

Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa Agosto ay para sa pagtukoy sa mga tankers na isasabak sa 2021 SEA Games sa Vietnam sa Nobyembre.

“We are very very happy na finally na-approved na ng IATF iyong proposal ng PSI for a national selection for SEA Games,” wika ni Joan Cacho-Mojdeh, team manager ng Main BEST Philippines at ina ni swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh.

“Sa team naman namin we are very lucky na hindi natigil ang mga bata sa training. Tuluy tuloy lang talaga kaya nag-move muna kami sa Lucena para makasama ni Jasmine iyong mga teammates niya,” dagdag pa nito.

Nakatakda ang national selection meet sa Agosto 28 hanggang 30 sa isang bubble set-up sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac na pinagdausan ng swimming events ng 2019 SEA Games.

Ipapatupad ng PSI ang inilatag na health and safety protocols ng IATF para sa nasabing event kung saan 100 swimmers at 100 in-venue personnel ang papayagan sa venue bawat araw.

“May certain standards silang (PSI) ise-set para hindi masyadong dumami iyong number of people sa event just to keep the athletes and officials safe while having the competition,” ani Cacho-Mojdeh.

Kabuuang 32 men’s at women’s events ang ilalatag sa naturang three-day meet na magdedetermina sa mga magiging miyembro ng Team Philippines para sa Vietnam SEAG at sa iba pang international meets.

IATF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with