Barbosa pang-9 na Pinoy Olympic qualifier

Kurt Barbosa
STAR/ File

MANILA, Philippines — Minsan pang ipinakita ni national taekwondo jin Kurt Barbosa ang puso ng isang Pinoy.

Tatlong sunod na 45-degree kicks sa huling 12 segundo ang naitama ni Barbosa sa katawan ni hometown bet Zaid Al-Halawani para kunin ang 50-49 panalo sa semifinals ng men’s -58 kilogram class ng Asian Olympic Qua­lifying Tournament sa Amman, Jordan.

Ang pagpasok ng 22-anyos na 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa finals ang opis­yal na nagbigay sa kanya ng silya sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tok­yo, Japan.

Ang dalawang finalists sa bawat weight division ng Asian Olympic Qualifying Tournament ang awtomatikong maglalaro sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Si Barbosa ang unang Filipino male taekwondo jin na lalahok sa Olympics matapos si Tshomlee Go noong 2008.

Makakasama niya sa Tokyo Games sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Samantala, minalas sina taekwondo jins Kirstie Alora (women’s +67kg), Pauline Lopez (women’s -56kg) at Arven Alcantara (men’s -68kg) na makakolekta ng Olympic ticket.

Hindi nakakuha si Didal ng Olympic seat matapos mahulog sa No. 12 sa sinalihang Dew Tour Des Moines 2021 sa Iowa, USA.

Nakapuwesto ang Cebuana skater sa No. 14 spot sa kasalukuyang world street skateboard rankings kung saan ang Top 20 ang bibigyan ng Olympic berth.

Muling pupuntiryahin ng 21-anyos na si Didal ang Olympic spot sa kanyang pagsalang sa Street World Championships 2021 sa May 30 hanggang Hunyo 6 sa Rome, Italy.

Show comments