^

PSN Palaro

NCAA sasambulat sa June 13

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NCAA sasambulat sa June 13
Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Philstar.com/Luisa Morales

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit isang taon pagkakatengga, lalarga sa Hunyo 13 ang special edition Season 96 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Ang NCAA ang unang collegieate league sa Pilipinas na makapagsisimula sa gitna ng pandemya.

“We’re happy to be the first collegiate league in the country to open its season during the pandemic,” ani Calvo.

Espesyal ang edisyong ito ng NCAA dahil tanging skills-based events sa basketball at volleyball lamang ang itataguyod kumpara sa mga actual games.

Nakalinya rin ang online chess, taekwondo at poomsae.

Hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng anumang amateur leagues gaya ng NCAA, UAAP at iba pang collegiate leagues.

Tanging mga professional leagues lamang ang pinapayagan sa pamamagitan ng isang bubble setup.

Kaya naman nagdesisyon ang pamunuan ng NCAA na mga events na hindi na nangangailangan pa ng face-to-face encounter ang ganapin sa taong ito.

Mapapanood sa GMA-7 ang mga events sa season na ito.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ng NCAA ang naturang network bilang broacast partner.

“With GMA as our media partner, expect a more creative way of doing sports under the new normal,” ani Calvo.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with