LOS ANGELES — Hindi ito ang NBA Finals kung saan naglaban ng apat na sunod ang Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.
Sa halip ay pag-aagawan ng nagdedepensang Lakers at Warriors ang No. 7 spot sa Western Conference playoffs.
Magtutuos ang No. 7 Lakers at ang No. 8 Warriors sa Staples Center para sa pagkakataong hamunin ang second-seeded Phoenix Suns sa first-round playoffs series.
“For our paths to continue to cross in our careers is pretty unique and pretty cool. Our paths have been crossed again,” ani Lakers star LeBron James kay Stephen Curry ng Warriors. “It’s always been a level of respect that’s even beyond the game of basketball, the way I feel for Steph.”
Ang matatalo ang haharap sa mananalo sa pagitan ng No. 9 Memphis Grizzlies at No. 10 San Antonio Spurs para sa karapatang sagupain ang No. 1 Utah Jazz sa first-round playoffs series.
Lubhang naapektuhan ang kampanya ng Lakers ngayong season dahil sa mga injuries nina James (high ankle sprain) at Anthony Davis (calf strain at Achilles tendinosis).