MANILA, Philippines —Pormal na tinanggap ng Philippine Sports Commission (PSC) ang deed of donation mula sa Bataan Province para sa lupang pagtatayuan ng Philippine Sports Training Center (PSTC).
“This will give our national athletes a new home as they continue to bring pride and honor to our country,” sabi kahapon ni Ramirez sa ceremonial signing at turnover rites kasama si Bataan Provincial Governor Albert Raymond “Abet” Garcia.
Kasabay nito ang pagdiriwang ni Ramirez ng kanyang ika-71 kaarawan.
Tiniyak naman ni Senate Committee on Youth and Sports chief Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang suporta niya sa PSTC.
“Kapag nagtutulungan po ang ating mga atleta at ang ating gobyerno ay malayo po ang ating mararating,” wika ni Go. “Rest assured na suportado po namin itong PSTC.”
Ilalagay sa nasabing state-of-the-art sports hub ang mga pasilidad para sa mga administrative, sports science, medical at dormitories para sa mga national athletes at coaches bukod pa ang sports amenities para sa 39 Olympic at non-Olympic sports.