Maraño excited sa Brazilian coach
MANILA, Philippines — Excited na si middle blocker Aby Maraño na makakuha ng teknik kay Brazlian coach Jorge Edson Souza de Brito na hahawak sa training ng women’s national volleyball team.
Ito ang unang pagkakataon na magsasanay si Maraño sa ilalim ng Brazilian coach kaya’t sabik na ito sa bagong sistemang ilalatag nito sa koponan.
“Excited na ako dahil we will get something new from him. Isa ang Brazil sa pinaka-successful na bansa in terms of volleyball kaya for sure marami kaming matututunan sa kanya,” ani Maraño.
“Sanay ako sa Asian way of playing volleyball kasi nag-training na kami dati sa Japan and Thailand. Kaya looking forward ako sa training with our Brazilian coach,” ani Maraño.
Si Souza de Brito ay magiging bahagi ng coaching staff sa loob ng dalawang taon.
Nakuha ng Philippine National Volleyball Fede-ration (PNVF) si Souza de Brito sa pamamagitan ng International Volleyball Federation (FIVB).
Ang FIVB ang magpapadala kay Souza de Brito sa Pilipinas kung saan sasagutin nito ang monthly allowance ng Brazilian coach.
Hindi lamang si Maraño ang lubos na natuwa sa pagpasok ni Souza de Brito maging ang iba pang volleyball players.
Kasama ni Maraño na dumalo ng tryouts ng national team noong nakaraang buwan sina Jaja Santiago, Majoy Baron, Mylene Paat, Eya Laure, Ivy Lacsina, Alyssa Solomon, Faith Nisperos at iba pang collegiate players.
Makakasama ni Souza de Brito, darating sa June, sa coaching staff si head coach Odjie Mamon.
- Latest