Patrick Coo pag-asa ng Pinas sa BMX Olympics
MANILA, Philippines — Sa edad na 19-anyos ay pipilitin ni Fil-American BMX rider Patrick Coo na maging pinakabata at pang-walong miyembro ng Team Philippines sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Papadyak si Coo sa International Cycling Union (UCI) World Cup Round 4 Olympic qualifier sa Bogota na nakatakda sa Mayo 30.
“I am very much motivated and excited to go after that slot to the Tokyo Olympics,” wika ng 2019 Asian BMX juniors champion na umaasang makakasama sina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Irish Magno sa 2021 Tokyo Olympics.
Ang ama ni Coo na si Benjamin ay tubong Iloilo habang ang kanyang inang si Romalyn ay taga-Cagayan de Oro City.
Si Coo ang magiging kapalit ni Fil-Am Daniel Caluag, lumahok London Olympics noong 2012, na kasalukuyang nagsisilbi bilang frontliner nurse sa Kentucky, USA.
Si Caluag ang tanging Pinoy na naka-gold noong 2014 Asian Games sa Incheon, Korea na nagbigay-daan sa kanya para kilalaning Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
“When Danny (Caliag) won, I was motivated to race for the Philippines,” wika ni Coo na nakabase sa Bellflowere, California.
Kumpiyansa sina POC at PhilCycling president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa tsansa ni Coo sa Olympic berth.
- Latest