^

PSN Palaro

Thirdy Ravena namamaga ang tuhod

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Thirdy Ravena namamaga ang tuhod

MANILA, Philippines — Panibagong dagok na naman ang tumama kay Thirdy Ravena matapos magtamo ng injury sa tuhod dahilan upang hindi na naman ito masilayan sa aksiyon sa Japan B.League.

Na-diagnose ang 6-foot-3 dating Ateneo de Manila University standout na may namamagang tuhod sa kaliwa na nakuha nito sa laro ng San-en NeoPhoenix at Ryukyu noong Abril 14.

Dahil dito, hindi muna makalalaro si Ravena base sa statement na inilabas ng San-En.

“He will miss this round due to an injury on his left knee. Although it is a difficult situation, we appreciate your support,” ayon sa statement ng San-En.

Nauna nang nagkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) si Ravena noong nakaraang taon na dahilan para ma-quarantine ito ng ilang linggo.

Matapos malampasan ang COVID-19, nagtamo naman ito ng injury sa daliri na kalaunan ay ino-perahan noong Enero.

Ilang buwan ring natengga si Ravena na sumailalim sa mahabang rehabilistasyon bago nakabalik sa paglalaro sa huling bahagi ng Marso.

Mayroong averages na 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists si Ravena sa 18 laro na nasilayan ito.

THIRDY RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with