Eala umabante sa Last 16

MANILA, Philippines — Ipinakita ni tennis phenom Alex Eala ang tapang ng isang Pinay.

Inangkin ni Eala ang come-from-behind 6-7 (6), 6-1, 6-0 win laban kay Laura-Ioana Paar ng Romania sa second round ng W60 Bellinzona sa Bellinzona, Switzerland.

“So happy to win my match today. Thank you for continuing to cheer me on! #LexGo,” sabi ni Eala, ang Women’s Tennis Association (WTA) No. 715 player, sa kanyang Facebook post matapos ang pagsibak niya kay Paar.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hiniya ng 15-anyos na si Eala ang 32-anyos at WTA No. 206 na si Paar matapos noong W25 Grenoble opener.

Nanggaling si Eala sa 7-6 (6), 6-2 pagsibak kay WTA No. 323 Margot Y­erolymos ng France sa first round.

Isinara ni Eala, ang ITF Juniors World No. 3 player, ang kanilang second round match ni Paar sa loob ng isang oras at 16 minuto papasok sa Round-of-16 ng nasabing $60,000 International Tennis Federation (ITF) tournament.

Sasagupain ng iskolar ng Rafael Nadal Academy sa Round-of-16 si WTA No. 284 Simona Waltert ng Switzerland.

Show comments