^

PSN Palaro

Sino ba talaga Pacquiao?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sino ba talaga Pacquiao?
Manny Pacquiao
Philstar.com/File Photo

Crawford o Garcia?

MANILA, Philippines — Tuloy ang guessing game kung sino ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik-aksyon.

Dalawang pangalan ang pinakamaugong sa kasalukuyan — sina reig­ning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford at dating world champion Mikey Garcia.

Ngunit pinag-aaralan pa ng kampo ni Pacquiao kung sino sa dalawa ang pinakamagandang kalaban na tunay na tatabo sa takilya at magbibigay ng magandang cash flow sa Pinoy champion.

Nauna nang napaulat na niluluto na ang bakbakan nina Pacquiao at Crawford na nakatakdang ganapin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ilang ulat ang naglabasan na kikita si Pacquiao ng $40 milyon sa oras na maikasa ang laban kay Crawford.

Subalit may ilang eksperto at mga kapwa boksingero ni Pacquiao na nagsasabing hindi ideyal na makaharap ng Pinoy champion si Crawford.

Mapanganib ito para kay Pacquiao na nasa 42-anyos na kumpara sa 33-anyos na si Crawford na nasa peak ng kanyang boxing career.

Naniniwala ang iba na si Garcia ang nararapat na kalaban ni Pacquiao dahil mas magaan ito kumpara sa tulad ni Crawford.

Kung matutuloy ang Pacquiao-Garcia fight, sa United Arab Emirates din ito idaraos base sa naunang ulat.

Lumabas sa ilang ba­lita na masusi pang pinag-aaralan ng kampo ni Pacquiao ang lahat ng offers bago maglabas ng pinal na desisyon kung sino ang makakalaban nito.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang kampo ni Pacquiao anumang araw ngayong buwan.

Sa kasalukuyan, tuloy lang si Pacquiao sa kanyang workout kasabay ng public service na bahagi ng kanyang tungkulin bilang Senador.

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with