Giannis itinakas ang Bucks sa OT

Giannis Anteto­kounmpo
STAR/ File

PHILADELPHIA , Philippines — Inis­kor ni Giannis Anteto­kounmpo ang 10 sa kanyang 32 points sa overtime para itakas ang Milwaukee Bucks laban sa 76ers, 109-105, sa duwelo ng Eastern Conference best teams.

Nagdagdag si Donte DiVincenzo ng 20 points at may 19 markers si Jrue Holiday para sa pang-limang sunod na ratsada ng Bucks (26-14).

Pinamunuan ni Tobias Harris ang 76ers (28-13) sa kanyang 19 points kasunod ang 18 markers ni Danny Green.

Sa Indianapolis, tumapos si James Harden na may triple-double na 40 points, 15 assists at 10 boards sa 124-115 panalo ng Brooklyn Nets (28-13) sa Indiana Pacers (17-22).

Sa Dallas, nagpasabog si Luka Doncic ng 42 points para pangunahan ang Mavericks (21-18) sa 105-89 paggupo sa Los Angeles Clippers (26-16).

Sa Houston, kumolekta si Draymond Green ng 16 points, 12 rebounds at 10 assists sa 108-94 paggapi ng Golden State Warriors (21-20) sa Rockets (11-28).

Sa Memphis, isinalpak ni Ja Morant ang tiebreaking layup sa huling 1.2 segundo para sa 89-85 pagdaig ng Grizzlies (18-19) sa Miami Heat (22-19).

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 12 points, 10 rebounds at 10 assists sa 129-104 pagdomina ng Nuggets (24-16) sa Charlotte Hornets (20-19).

Sa Memphis, isinalpak ni Ja Morant ang tie­breaking layup sa huling 1.2 segundo para sa 89-85 pagdaig ng Grizzlies (18-19) sa Miami Heat (22-19).

Show comments