Kiefer Ravena may offer sa Japan B.League

Kiefer Ravena
PBA Image

MANILA, Philippines — Posibleng masilayan sa aksyon si Kiefer Ravena sa Japan B.League matapos makatanggap ng offer mula sa isang koponan doon.

Mismong si Road Warriors head coach Yeng Guiao ang nagsiwalat na may nagpaparamdam na kay Ravena para maglaro sa B.League na kasalukuyang nilalaruan ng kapatid nitong si Thirdy Ravena.

Ayon kay Guiao, Disyembre pa nang malaman ni Kiefer ang offer.

Sinabi ni Kiefer na ikinukunsidera nito ang naturang offer kaya’t posibleng lisanin nito ang Road Warriors kung matutuloy ang plano.

“He had an offer in Japan. It was a really good offer. And he was thinking about it,” ani Guiao sa prog­ramang The Game.

Magiging balakid lamang sa naturang plano ang kontrata ni Kiefer sa NLEX.

Kasalukuyan itong nakatali sa three-year deal kasama pa ang Uniform Players’ Contract (UPC) agreement sa pagitan ng mga players at ng liga.

“There are things that are going to make that r­eality a bit of a problem. No. 1, he has a contract, No. 2, upon signing the UPC, he is also committed not just to the team but to the league,” paliwanag ni Guiao.

Handa naman si Guiao na pakawalan si Kiefer lalo pa’t malaki ang maitutulong nito sa kanyang basketball career.

Show comments