^

PSN Palaro

Embiid binuhat ang 76ers sa panalo

Pilipino Star Ngayon
Embiid binuhat ang 76ers sa panalo
Nailusot ni 76ers star Joel player Wendell Carter Jr. Embiid ang kanyang tira laban kay Bulls
STAR/ File

PHILADELPHIA, Philippines — Sadyang walang nakapigil kay All-Star center Joel Embiid.

Humakot ang 7-foot-2 na si Embiid ng career-high 50 points, 17 rebounds, 5 assists, 4 blocks at 2 steals para banderahan ang 76ers sa 112-105 panalo sa Chicago Bulls.

Naglaro ang Philadelphia (20-10) na wala ang may sakit na si Ben Simmons sa ikalawang sunod na pagkakataon, ngunit nakahugot kay Tobias Harris ng 22 markers at 12 boards.

Umiskor si Zach LaVine ng 30 points sa panig ng Chicago (12-16).

Sa Los Angeles, nagtala si Kawhi Leonard ng 29 points, 5 rebounds at 4 assists para sa 116-112 paggapi ng Clippers (22-9) sa Utah Jazz (24-6).

Sa Milwaukee, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng 29 points, season-high 19 rebounds at 8 assists para ihatid ang Bucks (17-13) sa 98-85 paggiba sa Oklahoma City Thunder (11-18).

Sa Cleveland, naglag­lag si Jamal Murray ng career-high 50 points para sa 120-103 tagumpay ng Denver Nuggets (16-13) sa Cavaliers (10-20).

Sa Orlando, kumolekta si Nikola Vucevic ng 30 points, 16 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong career triple-double at iginiya ang Magic (12-18) sa 124-120 paglusot sa Golden State Warriors (16-14).

Sa Boston, kumamada si Kemba Walker ng season-high 28 points para tulungan ang Celtics (15-14) sa 121-109 pagdaig sa Atlanta Hawks (12-17).

Sa Memphis, humugot si Ja Morant ng 21 sa kanyang 29 points sa second half para sa 109-95 pag-ubos ng Grizzlies (13-12) sa Detroit Pistons (8-21).

Sa New Orleans, nagsumite si point guard Chris Paul ng 15 points at season-high 19 assists para banderahan ang 132-114 pagsunog ng Phoenix Suns (18-10) sa Pelicans (12-17).

JOEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with